Pwede Ka Makahawa

Lahat tayo, mas magandang nasa bahay lang kung wla naman gagawin sa labas, dahil sa Lockdown. Naka-work-from-home na ang mga empleyado, maliban sa mga nagtatrabaho sa mga ospital, palengke, botika, groceries, at ilang mga fast-food at iba pang essentials.

Kapag lumabas ka, hindi mo alam bka may makasalamuha ka na meron na palang covid-19, pero walang sintomas (asymptomatic). Maaaring mapunta sa damit mo ang virus, at maipasa mo sa mga kasama mo sa bahay. Kawawa naman sila, diba? Kung hindi naman maiiwasan… Dahil kailangan mo bumili ng pagkain o gamot, ibayong pag-iingat. Pinatupad ngayon ang Social Distancing, kaya lumayo sa mga mataong lugar.

Ang mga bagay na ayaw mong ikaw ang makahawa

Alam mo ba, na bukod sa virus, marami ka pang pwede ikalat dahil sa paglabas?

Sponsors

Una, pwde ka magkalat ng maaaring maling balita. Pag lumabas ka, maririnig mong magusap ang ibang tao. Dahil sa social distancing, pasigaw na magusap mga tao ngayon. Kaya maririnig mo pinaguusapan ng iba. Ang mga maaari nilang magusapan: 1) Saang baranggay un meron nang may covid-19. 2) Saang mga supermarket pa merong supply ng alcohol at tissue. 3) Tungkol sa iba na hindi mo naman kilala. 4) Marami pang iba.

At siyempre, pag uwi mo, ikukwento mo ito sa mga kasama mo sa bahay. Tapos sila, ikukwento ito ng mga sa mga ka-chat nila sa Facebook, ipopost sa Twitter, sa Instagram. Gagawan ng video sa Tiktok. Yung ibang seryosong usapan, nagiging katatawanan.

Pangalawa, pwede ka magkalat ng Takot. Sa dami ng fake news ngayon, pati mga logo/seal ng mga government offices nagagaya. Aakalain mo na totoo dahil may logo. Ipapasa mo sa iba dahil “importante” na malaman ng iba. At dahil may naikalat kang takot, ang pangatlong maikakalat mo ay panic at paranoia. Ito nga ang naging dahilan kung bakit nakapaghoard ng mga tissue, alcohol, at pagkain ang mga tao, ng sobra pa sa actual na kailangan nila.

Habang naghihigpit ang gobyerno sa mga checkpoint at curfew, ung ilang kababayan natin na hindi masyado nakakaangat sa buhay, sila yung nauubusan ng supply, sila ung mga naglalakad dahil walang masakyan. Yung iba, sila ung nawawalan ng trabaho dahil kailangan magsara ng mga tindahan o mga business.

Ang Mga Bagay na maganda ipakalat

Pero may mga bagay na pwede mong hawaan ang iba. Maganda ito ikalat sa iba, at ikalat ng iba.

Una, ipakalat mo ang pananalig at pananampalataya mo sa Diyos. Pakita mo kung gaano kahalaga at kaganda na manalig sa kanya at maniwala sa kakayahan niya. Ibalita mo kung anung klaseng Ama ang ating Diyos Ama. Kung gaano siya ka-mapagpatawad, mapagbigay, mapagmahal. Ipakita mo na kahit nahihirapan tayo sa kanya-kanyang sitwasyon natin, naniniwala tayo na magiging maginhawa din ang lahat.

Pangalawa, magpakalat ka ng pag-ibig. Diba ang love, pwede mo ipakita sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay. Anjan ung pagtulong sa kapwa, sa mga nangagailangan. Dahil sa social distancing, hindi tayo ngayon nakakapunta sa mga mataong lugar. Hindi na tayo pwde makipagkamay, makipag-beso. Pero nakita ko na online pwede tayo magdonate pra sa mga nagugutom dahil wla nang makain dahil sa lockdown. Pwde tyo magdonate pra sa pondo ng mga gumagawa ng mga PPE. Meron nga nagpakita ng paraan pra makatulong sa mga maysakit, gaya ng pagpapadala ng mga “Get Well” cards.

Pangatlo, magpakalat ka ng pag-asa. Na may kagalingang dadating. Na dadating ang araw, hindi na akalat ang sakit. Alam naman natin na matatapos din ang lahat. Alam natin na takot ang karamihan. Pero, gaya ng pagpapakalat ng ating pananalig sa Diyos, magbibigay pag-asa ito sa mga taong nawawalan na. Alam na ni Lord kung anu mangyayari matapos ang lahat ng ito. Magtiwala lang tayo na may plano siya, at may purpose ang lahat.

Naniniwala ako na maganda na ito ang mga ipakalat at ihawa natin sa ibang tao. Set aside muna natin ang politika, at ang iba pang paniniwala na magkakaiba tayo. Pilipino naman tayo lahat. 🙂

Sponsors

What do you think?