Pagkatapos ng Quarantine…

Pagkatapos ng quarantine…

Anung gagawin mo? Lalabas ka ng bahay? magda-drive kung saan? Sasabihin mo bang “Malaya nako! Woohoo!” Magpapasalamat ka ba kay Lord, na tapos na ang quarantine? Magdadasal na tuluy-tuloy n ang paggaling ng mga may sakit, at tuluy-tuloy nang mapuksa ang virus? Maglalaro kayo ng taguan, patintero, o kung anuman sa labas ng bahqy, kasi nanawa ka sa online games, at nagkakalyo na mga daliri mo.

San ka pupunta? Namiss mo ba ang mga mall? Namiss mo ba magliwaliw? Manuod ng sine? Magshopping? Namiss mo ba ung maglakad-lakad kung saan saan? Sumimba? Sumamba? Namiss mo ba pumasok sa eskwelahan? Eh yung pumunta sa grocery na puno ung mga shelf? Sarap siguro mag-beach. Pumunta sa Tagaytay… Sa Boracay. Basta, ang mahalaga, makalabas ng bahay. Makapunta kung saan. Bilang taga-Laguna, punta kaya ako sa Cavite? 😁

Sponsors

Malamang, gusto mo din kumain sa labas. Baka namiss mo kumain dun sa karinderya sa may kanto. Namiss mo ung luto ni Manang dun sa may palengke. Nanawa ka at napagod ka na rin magluto. Nabaliw ka na din magisip ng kung anu ang uulamin. Hanggang ngayon, hindi mo pa din malaman anu pagkakaiba ng mechado at afritada (oh ako lang un?)

Sinong gusto mong makasama? Namiss mo ba ung mga kaibigan mo? Yung mga kabarkada mo, na minsan mo lang rin naman makita. Namiss mo ba ung jowa mo? Yung mga kaklase mo? Yung mga kalaro mo ng basketball? Yung mga magulang mo dahil nakahiwalay ka na sa kanila, dahil nakabukod kayo ng munting pamilya mo? Namiss mo ba ung mga kaopisina mo? Yung boss mo (o baka hindi, haha!) E yung mga pinagkakautangan mo? Yung mga nangutang sayo? Pwde ka na maningil!

Ang dami kong tanong no? Pero sino lang ba talaga ang may alam ng sagot? Kasi, pwedeng kung anu ung masagot ko, hindi pala siya tama. Hindi man mali, pero, pwedeng kulang.

Haaay… Matagal na ata talaga tayo hindi nakakalabas. Ang dami na natin naiisip. Tumataba na utak natin.

Sponsors

What do you think?