I’m definitely no #Plantita, but I’m just feeling a little proud of this accomplishment. Hahaha!
Guys, don’t expect, snake plants lang pinatubo ko at napadami ko.
Initially, I got 6 potted plants from my mom: a fortune plant, a money tree, 2 snake plants and 2 of those with pink and green leaves. Patay na ung pink and green leaves, huhu! We used to have a “garden” pero I’m super tinamad na to maintain kasi grass nalang yung tumutubo. Nainfest ng pests and wild grass ung 2 halaman,, kaya ayun, history na sila.
I was able to transfer yung fortune plant from a pot to a spot on the ground. From about 3 ft, now it’s more than 5 ft. Medyo natutuyo na ung leaves sa baba, but it keeps sprouting new ones sa gitna. So water water pag may time.
The money tree shed a lot of leaves na rin, pero growing strong naman siya.
Yung snake plants, from 2 plants, to 9!!! (3 not in the picture). Natuwa lang ako ishare kasi biglang may bagong usbong ung isang plant. Cut and repot ko agad sa excitement. May isang root pako na medyo nirerevive. Pag successful ang revival, eh di success! May pag-asa pa mga halaman saken. Hehehe!
So bakit ko nanaman ito shineshare? Gusto ko lang kasi talaga ito irelate sa kung paano tayo ibless ni God. 🥰
Minsan, may mga blessings na ibibigay si Lord, tapos hahayaan niya tayo na i-grow yun. At sa totoong buhay, may mga binibigay si Lord na napapabayaan natin, at nawawala. Hindi naman binawi ni Lord yun, pero pwdeng nawala kasi hindi na natin kailangan, or it’s causing us trouble (parang mga maling relasyon, bad habits, mga ganun).
Kapag meron naman tayong blessing from Him na napatubo natin, or napalaki, or na-improve, nakakagana lagi na icontinue or ipagpabuti pa ung kung anu mang ginagawa natin para dun sa improvement. Honestly, iba pla yung thrill nung may bagong usbong na hindi mo expected, pero nakita mo na galing dun sa pagtitiyaga mo, pagsisikap, or kahit dun sa pag let go mo ng ilang bagay.
Kung hindi dahil dun sa 2 na namatay, wala akong extra 2 pots para dun sa mga bagong patubong plants… next time, bibili na din ako ng bagong pots, para may malagay ako sa loob ng bahay. Hehehe!
Nakaka-proud sa sarili kasi alam mo un, yung feeling na kahit maliit na bagay, nakaya mo maging effective na steward ni God. Yung pinaubaya sayo, naalagaan at nanurture mo, with His help siyempre. And all glory to God sa lahat ng blessings na binigay Niya at nashare mo sa iba.
Yun.. narelate ko ba? Hehehe!
[Disclaimer, this was originally posted in my Facebook page last January 19, 2021]
Sponsors

What do you think?