Kahit 1 Dasal Lang

Madami sa atin, mataimtim na nagdadasal ng Oratio Imperata ngayong kumakalat ang Covid-19. Yung iba, ilang beses sa isang araw pa magdasal. May rosaryo, novena, at kung anu-ano pang debosyon din.

Gaano ka kadalas magdasal?

Sa totoo lang, 2 beses lang ako sa isang araw magdasal. Pagkagising sa umaga, at bago matulog sa gabi. Yung ibang oras na hindi ako nagdadasal, inaalay ko parin naman kay Lord. Tipong, parang lagi lang siyang parte ng mga ginagawa ko sa bahay. Kinakausap na parang normal na tao na nasa tabi lang.

“Lord, pahangin naman ng konti. Ang init po eh!”

Sponsors

“Lord, anu kaya pwede lutuin? Yung tipong matitipid ko yung mga napamili ko, para naman enough siya for one week.”

“Lord, ang kulit ng mga anak ko! Nakakapagod na…”

“Lord, tulog lang ako saglit. Gisingin moko after 30mins ha?”

Para sa akin, kung hindi ka man talaga makapag-dasal araw-araw, oras-oras, minu-minuto, okay lang yun. HIndi ka naman paparusahan ni Lord. Yung tipong:

“ah itong si Pedro, hindi ko to ibe-bless ngayon. Kulang ng 5 beses yung pagdadasal niya sa akin kahapon.”

“Yang si Juan, hindi niya pinagdasal yung mga frontliners kagabi. Pag lumabas yan ng bahay mamaya, hahawaan ko ng sakit.”

“Si Pilar, mali yung pagkakadasal ng Oratio Imperata. Hindi ko nga pakikinggan yan.”

Hindi ganyan si Lord, okay!

Ang mahalaga, anu ba ang nasa puso mo? Sino ang anjan?

Hiling lang ni Lord, andun din siya sa loob.

Paano ka magdasal?

Ikaw diba, pag mahal mo ang isang tao, gusto mo lagi siyang kausap. Kahit hindi kayo magkita araw-araw, oras-oras, minu-minuto. Minsan, kahit isang text lang sa umaga. Or yung napatawag ka kasi naalala mo lang. O kaya yung paalis ka lang bahay kasi bibili ka ng ulam, magpapaalam ka pa.

Pwede din siguro na ganun tayo kay Lord. Wala man sasagot, pero alam mo may nakikinig. 🙂

Alam ba ni Lord kung anu siya sa buhay mo?

Kung isang beses ka lang magdasal sa kanya… Okay lang yun. Mahal ka parin niya.

Minsan ba hindi mo siya naaalala, tapos nagi-guilty ka nung maalala mo na hindi mo siya naisip buong araw? Okay lang yun. Ibebless ka parin ni Lord.

Madalas ba lumalapit ka lang dahil meron kang kailangan kay Lord? Okay lang yun.

Naniniwala ako, kahit buntong hininga pa yan, naririnig ni Lord yan, at para sa kanya, dasal na din yan. Pero iko-confirm din niya sayo un. Kumbaga, halimbawa, napabuntong hininga ka nalang dahil parang ang imposible or napakahirap ng sitwasyon mo, tapos feeling mo wala kang magawa. Sa totoo lang, hindi ka naman na hihintayin ni Lord na sabihin sa kanya na, “Lord, kailangan ko tulong mo ha?”

Kasi, ang totoo, alam na niya kung anu kailangan mo. Pero ikaw, alam mo ba kung anu talaga kailangan mo?

Kahit isang dasal lang. Isang buntong hininga, isang tawag na “Lord.”

Para kay Lord, ang sarap nang pakinggan nun.

 

[Pero, hindi pwedeng sa lahat ng oras, ganun lang lagi ha?]

God bless you!

– God-guided Gal

Sponsors

What do you think?