A Lesson From Bread
Yes, this time, I felt the Lord speak to me through stale, old bread.
Okay, so here’s what I usually do. I buy a big loaf of bread. When I do that, I check the “expiry” date, and make sure that it would last us about a week. 3 lang kami sa bahay, and my daughter would usually just eat 1 to 2 slices a day, while me and the hubby would make 1 sandwich a day. Minsan hindi pa everyday.
Anyway, to cut that short, there would be, almost always, a few slices left. And when the day (of the expiry date) is over, I’d put the remaining in the freezer. This prevents it from forming molds. And when I feel like it, pwedeng after a week, I’d thaw it, and then make bread rolls with it. (see featured picture)
Okay, okay, ito na yung lesson…
I realized that in life, we would often experience lulls. Yung parang frozen lahat. Yung feeling natin, we’re driving ourselves towards success tapos bago pa tayo makarating sa peak ng success, biglang may matitigil. Biglang wlang mangyayari. Mawawalan ng activity. Tapos, yung dahil nabitin ka kasi akala mo yun na yun, eh nawalan ka nalang ng gana.
Ito, ngayon, quarantine parin lahat. Nasa bahay lang lahat. Kating-kati ka na mag-mall. Pumunta ng coffee shop. Magsimba sa actual na simbahan at mag-communion na kumain talaga ng ostiya.
Lahat nung nangyayari, parang tinapay lang na nilagay sa freezer, para hindi madevelop yung amag.
Pero ang nangyayari, palagay ko, hinahayaan ni Lord yun kasi pwedeng yumayabang na pala tayo… We’ve got our head in the clouds, but our feet didn’t stay on the ground. Masyado na tayong nagdepend sa sarili natin, nakalimot kay Lord. So parang ang nangyari, tinigil muna ni Lord lahat. Pero it doesn’t mean, eh ipagkakait niya yung success or yung goal, yung dream na matagal nating pinagtrabahuhan.
Naka-freeze lang, para by the time na i-thaw ulit ni God, alam na ulit na natin na Siya ang in-control sa lahat. Na dahil walang nangyayari, tatawag tayo ulit sa kanya. Magiging dependent na ulit.
Yung medyo closer to home. Traffic stand still. Or yung pag nakapila ka sa mga government offices (dati) na parang forever yung pila. Yung pag hinihintay mo yung pagtubo ng halaman mo, after mo palang na itanim yung buto.
Tinuturuan tayo ni Lord na maging patient. Na kahit naka-freeze tayo, He is still working. Parang ref kasi din si Lord eh. Kahit nasa freezer tayo, akala natin wlang ginagawa si Lord. Pero hindi natin alam, pinepreserve lang niya yung life natin. (In this part, parang sa ref naman nangusap si Lord… Nanamnamin ko muna, para mas may sense yung isusulat ko.)
[Original post made in my Facebook page in September 26, 2020]
Sponsors

What do you think?